Thursday, April 27, 2006
+ Long time AGAIN... +

Hi to all!!! Hehehe... Ngayon lang po ulit ako nagpost. Hehehe.
Ang cute talaga ng mga Totoro!!! Napanood ko na yung "My Neighbor Totoro" nung bata ako. Nakakatuwa talaga! Ang ganda ng story... Bumili kami ng DVD ng mga movie na ginawa ng Studio Ghibli. Mamaya manonood ako ng isa pang movie. Di ko pa kasi napanood lahat. Hehehe...
Nakakatuwa kasi High Wizard na ako! Hehehe. Pero hindi sa Ragnarok dito. Sa aeRo yun. Hehehe. Ang bilis talaga magpalevel dun. Mabilis ding yumaman. May Whitesmith na din ako dun. Nakakainis lang pag naglolog-in ka, mahirap. Ang tagal tagal maglog-in... Haaay. Pero masaya pa rin.

Sa Sunday magswiswimming kami. Yehey! Excited na ako. Di ko pa alam kung saan basta alam ko magiging masaya yun. Hehehe.
Malapit na yung Youth Camp... WAAAH! Sana makasama na talaga ako. Nakakalungkot naman pag di ako nakasama... Haaay... Sana talaga payagan ako...

Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 1:53 PM
_________________________________________________
Friday, April 21, 2006
+ A Long Time... +

Hello po! Sorry kung SOBRANG TAGAL ko ng hindi nag-update. Hehehe. Madami kasi akong ginagawa at minsan nakakalimutan ko ito.
Maglalaro ako ng AeRO ngayon. Ang hirap makapasok. Haaay... Gusto ko kasi ulit maglaro ng Ragnarok. Hehehe.
Sige po, maglalaro na ako!

Bye-bye ^0^
Betina posted @ 3:16 PM
_________________________________________________
Thursday, April 06, 2006
+ Reading something... +

Hello po! Sorry kung di ako nakapag-update kagad kasi madami kaming ginagawa... Hehehe = D
Meron na nga pala akong retainer. Yehey! Naninibago pa ako. Hirap pa akong magsalita at kumain.

Kakayanin ko 'to!
Naglaro ako sa Laptop kanina. Yun lang yung ginagawa ko simula kaninang tanghali. Tumigil muna ako kasi masyadong matagal na akong naglalaro. Naglaro naman ako ng Ragnarok kahapon. Parang gusto kong maglaro ulit... Nakakamiss kasi.
Kakabasa ko lang ng story ni Marj. Ang ganda ng story niya. Parang alam ko kung bakit ganun yung subject ng story niya... Hmmm... Sana gumawa kagad si Marj ng Part 4. Hehehe.
May namimiss ako...

Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 7:09 PM
_________________________________________________
Sunday, April 02, 2006
+ Wla lng...! = D +

Hello po! Kahapon gumawa ako ng mga testi para sa mga friends ko (di ko pa nabibigyan yung iba kaya SORRY). Nakakatuwa lang kasing pasalamatan sila sa friendship na ibinigay nila sa akin.

Hehehe.
Kanina pinapanood ko sina Kuya maglaro ng Diablo II: Lord of Destruction. Hmmm... Ginaganahan akong maglaro ulit ng Diablo... Favorite kong character yung Sorceress. Pagkatapos nitong post ko, maglalaro na ako.

Hehehe.
Pagkatapos ko ding basahin yung manga na "Pokemon:The Electric Tale of Pikachu", naging interesado ulit ako sa Pokemon.

Ang ganda kasi ng story sa manga na yun = D Ito yung sample:

Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 5:28 PM
_________________________________________________
Saturday, April 01, 2006
+ Happy Birthday Sakura-chan!!! +

HAPPY BIRTHDAY SAKURA-CHAN!!!

Birthday ngayon ng pinakapaborito kong anime character (Hindi obvious... = )! Yehey!
Betina posted @ 3:44 PM
_________________________________________________
+ Another Graduation... = ) +

Hi to all! Meron na naman pong graduation ngayon. Graduation ngayon ng pinsan kong si Aira. CONGRATULATIONS!!! Mamaya pupunta kami sa kanila.

Nag-email ako sa pinsan ko sa America. MISS NA MISS KO NA SILA.

Sana makapunta ako sa America para mabisita ko sila o kaya pumunta sila dito para masaya. Hehehe.
Nakakamiss... Sige po, bye-bye! ^0^
Betina posted @ 3:29 PM
_________________________________________________